Ang wika ay binubuo ng mga titik, salita, simbolo at tunog upang maipahayag ang nais sabihin ng ating isipan a damdamin. Sumasang-ayon ako dito, sapagkat napakaimportante nito sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Ito ang nagsisilbing instrumento na kaloob saatin ng mga ninuno upang gamitin sa mabisang komunikasyon. Ito ay nag babago at iba iba at dumedipende sa lugar, panahon at antas ng tao.
Ito ay isang pakikipag talastasan na hindi sigurado kng saan nag simula. May mga teorya na ito ay ginaya sa mga hayop na narining nga mga sinaunang tao. Ito ay may mga antas upang bumagay sa tao, lugar, damdamin at antas ng gumagamit.
Ang wika ay patuloy na lumalawak sa pag tagal ng panahon. Ito ay dahil sa Teknolohiya at Syensya na patulos na lumalawak. Andyan din ang pag tangap ng mga tao sa LGBT na isa rin sa mga dahilan kung bakit lumalawak ang ating wika.
Salamat sa wika at nailalabas natin ang ating gustong sabihin nararamdaman at ang wika din ang tumulong satin na maging malaya.